Searching for ‘Toto’

June 25, 2006 at 1:37 pm Leave a comment

A day before the filing of the civil society-led impeachment complaint, children from urban poor communities in Quezon City joined the search for ‘Toto’, a dog that was kidnapped by an Evil Queen. ‘Toto’, short for ‘katotohanan’, is the main protagonist in AKBAYAN’s children story-telling activity to teach the future generation of vital human values like truth and justice.”

Written by AKBAYAN lawyer Jae dela Cruz, the story tells of an Evil Queen who stole the sun, moon and the stars and kept a village in perpetual darkness. It was only through the barking of Toto, a defiant and brave dog, that the villagers were able to keep track of time, but even Toto was kidnapped by the ruthless Evil Queen. Toto was saved and daytime was restored when the villagers united and marched in protest of the Evil Queen’s deeds.

It’s a good metaphor of truth: one way or another, it will surface. We hope that we can reclaim the impeachment process and make use of it precisely as a tool to exact accountability from our leaders. We hope that members of Congress will not succumb once again to Malacañang’s pressure and patronage and let the impeachment process itself take its due and just course.

Here’s Toto’s story:

Nang Mawala Si Katotohanan

Noong unang panahon sa isang tahimik na bayan,
May isang asong Katotohanan ang pangalan.
“Toto” ang palayaw at mahal siya ng lahat,
Dahil sa kanyang tapang, sya’y sikat na sikat.

Isang araw may dumating na Reyna,
Nabighani ang mga tao sa mga pangako nya.
Pero ang asong si Toto ay di mapakali,
Parang may naaamoy siyang mali.

Ang reyna ay naging reyna ng bayan,
Nahumaling ang lahat sa kanyang magandang kasuotan.
Pero habang tumatagal, ang langit ay dumidilim,
Tumatahol si Toto pero walang pumapansin.

Isang gabi, di natulog si Toto at ang reyna’y sinundan,
Nagulat sya sa kanyang natuklasan,
Ang mga bituin sa langit ay ninanakaw pala,
Tinatahi sa damit at ginagawang pulseras pa.

Tumahol si Toto pero di sya pinansin,
Ang tahimik na buhay daw ay ‘wag ng guluhin.
Kung tatanggalin ang reyna, sino ang papalit?
Kaya Toto, wag ka nang magpumilit.

Dumating ang araw, dumilim na ng tuluyan,
Ang mga tao’y di na magkakitaan.
Sabi ni Toto tutulungan ko kayo,
Sumunod lang kayo sa mga kahol ko.

Ang kahol ni Toto ang naging gabay,
Kaya’t madilim man ang mga tao’y patuloy na namumuhay.
Sa mga kahol nya’y, sila’y natutulog at nagigising,
Walang kapagod-pagod ang asong magiting.

Isang araw ang kahol na inaasahan ay di dumating
Di alam ng mga tao kung ano ang gagawin.
“Nawawala si Toto,” kanilang natuklasan,
Kinuha ng Reyan ang asong si Katotohanan.

Hindi ito maaari, ang pasya nila,
Si Katotohanan ay di pwedeng nakawin pa.
Hanapin si Toto, hanapin natin!
Mula sa reynang magnanakaw, siya’y sagipin.

“Paano natin kukunin si Toto?” tanong nila,
Lubhang makapangyarihan ng ating Reyna!
Pero mas makapangyarihan tayo kung sama-sama!
Walang hindi magagawa, kung magkakaisa.

Natakot ang reyna sa kanyang nakita,
Libo-libong tao, nagkakaisa.
“Babawiin na namin si Katotohanan,”
“Ayaw na naming, mabuhay sa kadiliman.”

Buhay si Katotohanan! Buhay pa sya!
Nagulat si Toto sa kanyang nakita,
Mga taong nagkakaisa sa isang mithiin,
At muling kumislap sa langit ang mga bituin.

Advertisements

Entry filed under: GMA Impeachment.

anti-prostitution bill sent back to technical working group Killing of farmers has to stop!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


AKBAYAN Party

Party of the future

Contact us

Office of AKBAYAN Rep. Risa Hontiveros-Baraquel
Rm. 611, Southwing, House of Representatives
Batasan Hills, Quezon City
Telefax: +632-9315210 or 9315001 local 7310
send us an email or visit our website

Vote for our blog!

isulong seoph

Blog Stats

  • 16,938 hits

%d bloggers like this: